You will always be remembered

 

Pascual “Paco” Velasco (1933 – 2012)

Namuhay kang kasama lang ang mga kapatid. Mas pinili mong punan ang kakulangan ng iba at nagpasyang di na mag-asawa.Itinuring mong anak ang yong mga apo mo at ikaw nama’y itinuring din naming sariling ama. Sa buhay ko, ikaw ang nagsilbing i

nspirasyon ko sa paglikha ng sining. Nung bata pa ako, kinailangn ko pang mameke ng sakit para lang makakuha sa iyo ng isang drawing. Lingid sa iyong kaalaman, gising ako nung panahong pinanonood mo ang isang serye ng painting tuwing madaling araw. At nito ko lang nalaman na si “Bob Ross” ang pintor nung seryeng iyon. Ikaw rin ang nagturo sa aking ng esensya ng mahabang lakaran, malayang pag-iisip.
Salamat sa lahat. Isang guro at isang ama. Mahal ka namin. Paalam, aming lolo Paco.

Leave a comment