Emansipasyon

Kamusta! Ako si Lariz. Isang freelance artist at ito ang aking kwento sa likod ng aking pagkapanalo sa  Hyundai Digital Art Competition. Hmn, well parang kwento na rin ng ang aking buhay ngayong 2017. Pinalipas namin ang Pasko noong 2016 ng “ok” lang. Basta masaya ang mga bata, ok na yun. Pero para sa akin,  bilang ama, nag-iisip ako ng paraan kung papano ko pa mairaraos ng “ok” lang ang pamilya ko sa darating na  taon. Hindi ko na rin alintana ang makukulay na fireworks noong bagong taon dahil puno na ako doubt sa sarili  ko. Wala na akong makitang maganda sa aking buhay.

Poor thinking habits keeps most people poor. – Jim Rohn

Still working on a Digital studio as my day job and some freelance works na nakukuha ko sa DevianArt, naka-survive kami for the first months ng 2017. I have plans for this year, pero di pa alam ni misis. Kasi kapag  ipinaalam ko sa kanya, isa siya sa tatangi sa mga plano ko. Sinarili ko muna ito dahil ayoko muna ng  distractions at negative vibes. After ko ma-secure ang budget namin for 5 months saka ma-up ang sarili kong  website, saka ko sasabihin sa kanya na magreresign na ako sa day job ko at magfu-fulltime freelance na  ako for the win! Halos lahat ng napasukan ko ay related naman sa arts pero sabihin na nating yung iba ay hindi ko talaga forte. May mga artist na pagletrahin mo sa pader ay kaya nang bumuhay  ng pamilya sa loob ng ilang  buwan, hardcore diba! I mean, you’re doing what you love at the same time di mo namamalayan na nakaka-inspire  ka na sa iba at maganda ang value nito sa community. Gusto ko yun! Pangarap ko yun, kaso ang tagal bago ako  magising. Ngayon 2017, handa na ang budget, may website na ako, may clients pa akong natitira na pwedeng  magpagawa sa akin for ilang months. Di kalaunan, sinabi ko na rin kay misis na magreresign na ako. Ang sabi  lang nya, panu yung bonus mo? yung 13th month mo? Well, ikaw ang bahala. See, naging Bataman ako in an  instant! Bahala na raw si Batman. So the pressure is on!

If you are not willing to risk the unusual, you will have to settle for the ordinary. – Jim Rohn

I think March ata ako umalis ng studio at hinarap yung freelance job ko. Maganda ang start. Nakapag-upgrade  ako ng laptop from Pc na pwedeng mag install ng Diablo 3, wooo! Hardcore. Minsan lang naman ako maglaro.  Sobra akong nag-adjust sa schedule ko. Hinati ko yung oras ko sa work, sa mga anak ko at kay misis. At kung  may extra, sa mga kaibigan na madalas ko ng matanggihan kapag nagaaya ng reunion. Sa gabi ako madalas at  matagal magtrabaho, dahil walang magugulo at tahimik. At kung artist ka, alam mo yung feeling na andun ka sa  sarili mong mundo habang ginagawa ang gusto mo. Surreal.

Natapos ang panaginip ko nang mawalan ako ng kliyente, unti-unti. Dumalang na yung projects ko dahilan upang  maubos ang ipon naming mag-asawa. Dumating sa point na madalas na kaming mag-away dahil sa pera. Hindi na  kami makapag-usap ng matino dahil by the end of the day, iniisip namin yung paparating na bills at paanu  mairaraos ang susunod pang mga araw. Minsan tuloy, inisip ko kung tama ba ang ginawa kong desisyon. Inilagay ko sa  panganib ang pamilya ko dahil sa plano ko. Mahirap para sa akin na di na pagkatiwalaan ng mga taong nasa  paligid mo. At mas lalong masakit kung mismo ang sarili mo ang may doubt sa kakayahan mo. Lahat guguho pati  self-confidence mo. Mawawalan ka ng control sa pangyayari. Pakiramdam ko, wasak na ako at kailangan ko na ng tulong.

If you want the future to change for you, you’ve got to change. – Jim Rohn

Binawasan ko muna ang news sa social media at anumang negative feeds na pwedeng makasira ng momentum ko at pinalitan ko ito ng mga motivational videos sa Youtube habang nagdo-drawing sa gabi. Sila yung mga nagkukwento sa  akin kung ano ang dapat gawin kapag wala ka ng pagasa at kung paano iaahaon ang sarili mo sa dating ikaw.  Kung mapapansin nyo, puro quotes ni Jim Rohn ang inilalagay ko sa blog na ito, dahil isa siya sa naging  inspirasyon ko para ayusin ang aking sarili. Sa buong taon ng aking career bilang artist, ngayon ko lang  sineryoso ang “personal development”. Iniwasan ko ang social media na di naman nakakatulong sa aking plano.  As in, inayos ko ang aking sarili at pinuno ng positive quotes ang notepad ko na binabasa ko kapag  nakakaramdam ako ng panghihina. Binalikan ko yung journal ko kung saan nakasulat ang aking goals for 2017. At  itinuloy ko ang lahat ng iyon, no matter what. Nag-aaway pa rin kaming mag-asawa pero di na ako apektado ng  stress na iyon. Sabi ko sa aking sarili, kung meron man akong dapat pakitaan ng pagbabago ay itong aking  asawa na nagahahanap na ng output dahil parating na naman ang bills. Di ko siya masisisi dahil normal lang na  mag-panic, realidad yun, pero after that move on na dapat. Ganun ang ginagawa ko nung mga panahong iyon, mas  iniisip ko kung papaano pa ako makakagawa ng mas maraming bagay o art na may value sa community at sa market.  Pinili kong maging positive para maka-attract pa ako ng mga positive vibes. I started to do some meditations  para ma-clear yung isip ko. Nabawasan na yung away namin dahil siguro iniisp ni misis na “Nabaliw na ata  asawa ko, diko muna aawayin!”
Nalaman ko ang tungkol sa Hyundai Digital Art Contest mula sa kaibigan ko nung highschool na si Richard Sanuco. Tinag nya  ang name ko sa isang blog post sa Facebook at tinag ko rin siya bilang reply sa ginawa nya sa akin. Tapos na  ang usapan. Hoping na makuha nya yung joke sa ginawa ko, pero na-appreciate ko yung gesture na ginawa nya, yun nga lang, busy ako sa commissions ko that time. Nakita ni misis ang conversation namin. Sinabi nya, “Daddy, ‘bat di mo i-try? Malay mo lang. Pero ang di nya alam, binasa ko na sa mismong website ng Hyundai ang about sa contest. May dalawang theme ang contest, sa prelims, “Your Vision of Future Self” which is weird kasi  patungkol ang personal project ko na digital illustrations ko na part ng goal ko this year. Gumawa ako ng  entry at nanalangin na makapasok sa lucky 12. Sa loob ng ilang buwang paghihintay, naubusan na ako ng  project. Wala na kaming panggastos dahilan para magsangla na ng alahas si misis pangtawid. Masakit sakin  dahil ang unang gawain ng tatay ay mag-provide. At sa puntong iyon, diko magampanan ang aking tungkulin.  Umiyak na ako sa kanya matapos nyang ginawa ang pagsasangla. Sinabi nya sa akin, kaya natin yan. Malay mo,  ibigay nya sa atin yung sa contest. That time, may gustong ituro sa akin ang tadhana, ang huwag nang maulit  ang ganitong sinaryo. Kailangan kong magbago. At sa tuwing gabi ng aking pagtatrabaho, ilang minuto rin akong  tumititig sa natutulog ko ng pamilya. Sabi ko sa sarili ko na di ko hahayaang mawala ang lahat ng ito sa  akin. Please God, ibigay nyo sa amin ang tulong, kundi man ang contest, or ibang blessings na para sa amin.  May ilang pumasok na project at may ilang nagpahiram ng pera mula sa mga pamilyang nakahalata na kung may  pinagdaraanan kaming mag-asawa. At dumating ang email mula sa Hyundai. Pinigilan kong sumigaw sa tuwa. Diko  na tinapos ang buong message basta ang nagregister na lang sa isip ko ang mga salitang..”Congratulations!  Your work has been….blah balh blah. at tinawag ko ang aking asawa. Sabi ko, Mahal, nawalan daw tayo ng pera  sa paypal, basahin mo yung email! Nataranta pa siya mula sa pagsasampay nung araw ding yun at nagmamadaling  binasa ang email mula sa Hyundai! Wala na siyang ibang nabanggit kundi daddy! Daddy! Thank you lord! Nakita  ko na lang ang aming sarili na magkayap habang umiiyak sa tuwa.

Mula noon, nagbago ang lahat sa amin paunti-unti. Madalang na kaming mag-away, kung meron man, bati agad.  Tapos ayun, alam mo na. Mas na appreciate na namin yung mga bagay na kung ano ang meron kami. naiiyak kami  dahil swerte pa rin pla kami after ng nangyari. Tuwing umaga, nagpapasalamat ako at nanalo ako sa prelims,  buhay pa ako at may project pa akong ginagawa. At sa tuwing makakakita kami ng Hyundai na kotse, sasabihin  namin, Uy! Thank you lord! It’s a sign.

Kaya nung panahon ng workshop for the final entry, lutang pa rin ako at di makapaniwala na nangyayari ang  lahat ng ito. Sa mga speakers namin that time, inisip ko kung ako kaya ang nasa harapan nila at nagbabahagi  ng experience ko na pwedeng makatulong sa mga aspiring artists, ang cool nun, potek! At kailangan kong ipasa  ang baton dahil hiram ko lang ito sa Kanya.
Hindi agad ako nakapag drawing para sa final entry ko after ng workshop. Pagod dahil sa tagaytay ginawa ang  workshop. Pero may naglalaro na sa aking isipan kung paano ko ito gagawin. May subject na ako at diko na  kailangan pang lumayo. Nasabi rin sa amin na posibleng i-exhibit ang aming gawa sa national Museum kaya nag-  aral ako kung papaano mag-compose ang magagaling na pintor dati. Sinubukan kong i-apply ito sa aking gawa at  nakatulong ito para maging maayos ang aking composition.

kailangan ko ng model for the hand!

Whatever life has handed to us, whether it is one talent or a hundred, it is our responsibility to do 
something with what we have been given. ~ Jim Rohn

Matapos ang ilang buwan ng paghihntay. Dumating ang event kasabay ng announcement ng final wiinners. Isang araw bago iyon, nilagnat na ako at masakit ang tyan dahil siguro kaba or excitement, o dahil sa ginawa naming “Samyang Challenge”. Pero hindi, ngayon pa ba ako susuko, tutuloy ako at magpa-party ako! To make the story short, nanalo ako ng Grand prize pero di na ako nakapag-party. Pabigay na katawan ko ng gabing iyon at nagtira na lang ako ng panguwe. Thank God!

Photo credit: Hyundai Philippines

Alam kong may purpose ako sa mga nangyari at malugod tatangapin iyon dahil alam kong kaya ko dahil ginawa na  Nya akong maging handa. I’m still learning dahil buhay pa ako at humihinga. At itong kwentong ito ay di  matatapos ng dito lang. Maaari ko pa itong dugtungan o isa sa mga anak ko na makakabasa nito kapag sila ay  nagkamuwang. Utang na loob ko kung bakit ako may talento at gamitin Mo ako upang maglingkod sa Iyo.


Ito yung video ni Sir Jim Rohn na paulit-ulit kong pinakikinggan, sana lang talaga, mas maaga ko siyang nakilala. Sobra akong nadala sa pang huling salita nya, kung nabubuhay man siya hanggang ngayon, paulit-ulit ko siyang pasasalamatan.

Advertisements

July Commission Update

Last month, I send DM to the UGEE staff if they are willing to sponsor me to review their product. The next day, they answered and they declined my offer.

UGEE is selling a much cheaper drawing monitor for the artist.
You can visit their website here: ugee.net/about/brand.html

UGEE staff was very polite and I’m so honored that they took the time to review my offer and praise my works. That point for me is much appreciated. However, the reason why they decline is that…my Youtube channel has no amount of followers (sigh). They like my works, and they really did! But they are actually looking for a much larger audience to promote their product such as Youtube and there’s no way they can invest their product to a person which has only 10 followers! I’m not bitter! If that’s what you wanna ask. But that move I made is a wake-up call for me. I need to pump up my Youtube channel. My skills are not enough these days to pursue my dreams. I need to be smart. I need to be more active online and do more stuff online not just by lurking around but to make a great stuff that will have a great impact on others, especially more videos. They decline because I lack social media presence. I have to solve it as soon as possible.

Today, I’m saving up to buy this UGEE 2150 to upgrade my old Bamboo Wacom pen and touch. This UGEE 2150 is many ways cheaper than Cintiq! And if I ever got the chance to have a money to buy this drawing monitor, I will do a digital painting using this.

______________________________________________________________________________________

Behold my Commission Batch 34! Woooot!!!

Commission Batch 34 by LarizSantos

Ichigo Kurosaki

ichigo-thumb-txt

I’m opening my limited commission batch for this kind of artwork, it will be $50. Either it’s simple expressions, on shikai mode or bankai with effects!
An anime painted style, headshot size, and typography on it.
This project will be available for this month of January only.

 

_____________________________________________________________

COMMISSION INFO    |    Pinsel Project    |    MYTH Manga    |    PINSEL PROJECT on Facebook    |    My DRAWCROWD