Killed. Revived. Expectations.

Killed…

Kamusta?
Matagal na rin halos nang huli tayong nag-usap.
Walang balita. Busy? Sinong niloko ko. Haha.
Malamang may bago. Yun ang dapat. Kung wala.
Aba’y kumilos ka na. Nag-evolve na ang pokemon ng kapitbahay ko pero ako hinde. Matinde!
Uy sandali. Medyo babatiin ko lang sarili ko. May bago naman sa mga nangyari sa akin nung huli tayong nag-usap. Iba na ako mag-isip. Sabihin na nating nag-mature ako ng konte. Ang tanong mo paano? Hmm, may ilan. Sabi ko naman diba nag-evolve ako ng konte. May mga bagay na akong pinapalampas kapag hindi ito nakakatulong sa aking paglago bilang tao. Binawasan at iniwasan ang drama sa buhay. Minsan at kundi maiwasan, agad sinusulusyunan. Iniwasan ko na rin ang ma-artblock. Kasi ang artblock ay manipestasyon ng sarili mong katamaran! Boom panis. O ha, naisiip ko yun. Kala mo. Ako ang may gawa ng sarili kong bangungot. Kaya panay ang gawa ko ng mga sketches pang tanggal ng umay sa daily routine.
Base sa record ko sa aking DeviantArt account. Humusay naman ako pagdating sa Digital painting. -Palakpakan- . Napansin ko rin na naging mainit ang mata ko sa detalye pagdating sa painting na sa tingin ko ay nagustuhan naman ng aking mga kliyente. Ginusto kong i-push ang aking sarili sa arts kaya pinagsabay ko ang pag-aaral nito habang gumagawa ng mga komisyon. At kadalasan, align sa pinag-aaralan ko ang mga tinatanggap kong mga projects. Risky ito dahil may pamilya na umaasa sa magiging kita ko rito ako at alam kong babagal rin ang progreso ng pag-update ko ng mga bagong arts sa DevianArt. Subalit kinaya ko naman ngayong taon. Awa ng Diyos. Sana kayanin ko rin sa darating pang mga taon. Laking pasasalamat ko lang sa mga kliyenteng nagtiwala sa akin. Mahal ko kayo. Sana magpagawa pa rin kayo kahit mukhang namuti ang kilay nyo kakahintay sa project. Apat na buwan ata ang pinakamatagal kong painting this year. Pain talaga! Ting ina…
O wait lang bago mo sabihing ayaw ko na ang ginagawa ko ay nagkakamali ka. Mahal ko ang ginagawa ko, remember, kaya ko tinangap ang project na iyon ay dahil malaki ang natutunan ko rito at the same time…ka-ching!

Ngayon taon din ako nakapaglabas ng bagong komiks at naging matagumpay kong naibenta nung Komikon! Gandang experience, diba. Apir naman dyan.

So ano na? Nag-aaral pa rin ako kung iyun ang gusto mong tanungin.

Designs. o ha, asteeg.
Potek di pa nga ako bihasa sa larangan ng Digital Painting e sumabak na naman ako sa isa pang field. Pero ganun talaga. Kailangan kong mag-evolve. Ayokong maiwang unggoy habang ang mga nakapaligid sa akin ay mga mukhang tao na.

Pero bakit “design”?

Kasi na challenge ako pre. May inaplayan akong Design Studio. Homebased. Pandagdag sa income dahil mag-aaral na panganay ko. See? I have reasons kung bakit. Pero na-decline ako grabe. Apply daw ako after 4 months. Then I realized, they have reasons kung bakit ako na-reject. At ang lakas nga ng loob kong magtanong sa isang staff dun kung anong kailangang kong gawin para lang pumasa. Kailngan ko talaga ito. At sa kabutihang palad polite naman siyang sumagot at nagbigay ng mga pointers. Ayun, isa na siyang inspirasyon sa akin para ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa graphic designs.

Revived…

As I go further into it. Nalaman ko na marami akong flaws sa ganitong field. Mga ideas na di ko pa narinig o nalaman noong nagwo-work pa ako as designer. Patawarin sana ako ng mga pinagtrabahuhan ko dati dahil ambabaw pa pala ng knowledge ko regarding sa designs. At sa ilang araw kong pagbabad sa internet at sa manaka-nakang pagpe-facebook, natunton ko sa youtube ang channel nina Chris Do. Potek asteeg! andami ko agad natutunan sa kanila about sa designs. At libre nila itong ibinibigay sa Youtube channel nilang, “The Futur”. Anything about designs, andun na. That time, na-realize ko yung kahalagahan ng oras. Well alam ko na yun pero mas na-drive akong i-push pa ang aking sarili to the greater heights. Di lang sa designs kundi na rin kung papaano mo ima-market ang sarili mo sa isang business na align sa talent mo. And one thing na nalaman ko at mas tumatak sa isipan ko ang venn diagram ni Chris Do na tinalakay nya sa isang nyang video sa Youtube.

Venn.png

Dahil dito, mas naintindihan ko ang aking  potensyal bilang isang artist at kung papaano ko maia-align sa aking goal. Kaya sana mainitindahn mo pa rin na kailangan ko pa rin mag-aral. Dahil kundi ako na-reject. Di ako makakalabas sa aking lumang kahon. At hindi ko siya makikilala.

Sa ngayon, self-study ako pagdating sa designs. I will try again kapag open sila for freelancers. I may not be good at designing stuff but atleast I know what I have now. And I will try to merge it with my own skill.

Expectations…

Tinanggap ko ang kuya mong si 2016 kahit na ginulpi nya ako noon. Kaya yayakapin rin kita ngayon, 2017. Apir!

 

~01032017

One thought on “Killed. Revived. Expectations.

  1. Pingback: Emansipasyon | ArtofLariz

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s