Hindi Ako ang Taong Inaakala Ninyong Ako

Ako.

Si Lariz Santos.

Taga-Marikina.

Sa edad na 29, muntik na akong maging milyunaryo.

Hindi ko alam ang gameshow na “The Price Is Right”. Nalaman ko lang ang naturang show dahil kay Tel, na nahugot lang din dahil nagawang makapag-register ni Ann, kaibigan nila.

Ang tanung, paanu ako napa “oo” ni Tel, gayung wala sa hitsura ko ang sumasali sa ganung uri ng palaro lalo na’t “live” at kita ka ng buong madla. Mahiyain din naman ako kahit dati na’y naging aktibo ako sa mga dula-dulaan noong nag-aaral pa ako. Pero scripted yun! May oras kung kelan ka uutot o hihikab. Pero sa show, walang edit yun, kapag nalaglagan ka ng pustiso sa panahong umeere na, hindi mo na pwedeng putulin at hindi ipalabas ang ganung nakakahiyang eksena. Baka gawan ka pa ng commercial matapos nun. Live talaga! Kaya wala kang lusot. Umoo ako dahil ito ang naging pag-uusap namin ni tel.

Ako: Hello…

Tel: Hello, Lariz? Anu sali ka? (katext ko na siya bago pa siya nagtangkang tumawag)

Ako: Hindi ko alam yun. ‘Di ko alam yung mechanics nun.

Tel: Madali lang naman, huhulaan mo lang kung magkanu yung item tapos kapag tama hula mo, pwede ka ng manalo ng kotse.

Ako: Weee?! Eh si Nel? Kasama ba?

(Alam ko rin, hindi papatulan ni Nel ang ganitong offer kapag nagkataon dahil tv yun. Bulgar masayado.)

Tel: Oo! Kasali nga siya e. Sabi niya ikaw rin daw, yayain ko. Lima tayo maglalaro.

Ako: Ganun ba? Sige. Go…

Tel: Ok, sige salamat!

–tapos ang tawag–

(Tumalon ata sa tuwa si Tel pagkatapos nung tawag nya. Hindi ko rin alam kung nag “Yehey” pa yun sa galak.)

Hindi ko lubos maisip na pumayag si Nel. HIndi talaga. Pero kung si Nel, napapayag niya, malamang maganda nga yung chance na manalo ka ng jackpot. At malaki kumpiyansa ko kay Nel, hindi pumapasok yun sa isang sitwasyon kung hindi naman niya masyadong pinag-iisipang mabuti.

Makalipas ang ilang minuto, tumawag uli si Tel, at ang sabi.” Lariz, mali pala, diba sabi ko sayu kanina, na lima tayong maglalaro?Ako, si Nel, Ann at asawa niya at saka ikaw? Hindi pala, isa lang sa atin ang pwedeng makapaglaro dahil may screening pa yun. Anu sali ka pa?”

Iyon lang at nagpasya na akong tumanggi talaga. Parang hindi fair e. Paano kung hindi mapili yung mismong nag-register? Tapos lahat naman may effort na ginawa? Parang hindi ata tama. Tumanggi na ako. At yung kasiglahan ni Tel ng huli kaming nag-usap, hindi ko na naramdaman. Sinabi ko na rin sa pamilya ko na tinanggihan ko na yung offer na maging artista.

Nang magkita kami ni Tracy, gf ko. Nabanggit nga niya na nalungkot nga yung ate niyang si Tel dahil hindi na nga ako sumali. At kahit hindi nya sabihin, siya rin mismo sa sarili nya, nanghinayang siya sa ganoong pagkakataon. Isip-isip ko, ako pa ata dahilan kung bakit nagkaganito ang mag-ate, anu kaya nararamdaman ni Ann? Eh, siya mismo yung nag-txt sa ABS-CBN. Malamang, doble nun yung nararamdaman niyang lungkot at panghihinayang.  Kung ako lang din ang magiging dahilan para bumalik yung dati nilang sigla, walang masama kung tatanggapin ko yung alok nila. Matapos ang “tag of war” sa aking isipan, sumali rin ako at muling tinanggap ang alok nila.

At nang magkita kami ni Nel sa office, dahil magka-opisina kami, nalaman ko na kaya lang siya pumayag maglaro ay dahil naka-register na daw yung name niya at pati daw ako kasali na. Weird! Hindi ko tuloy alam kung sino sa aming dalawa ang una niyang  inaya para sumali. Pero huli na ang lahat, naka-oo na kami. At lahat ng iyon ay dahil sa kapangyarihan ng “white lies” ni Tel. (palakpakan)

May tatlong araw pa kaming nalalabi bago ang mismong contest.

At sa tuwing iisipin ko yung sinaryo. Kinikilabutan ako. Nanginginig. Nanlalata. Nilalabasan ng wisdom tooth!

Andaming tumatakbo sa isip ko.

Anu kaya hitsura ko pagdating sa tv? Paanu kung pumiyok ako sa mic. O kaya maiyak ka matapos kang interbyuhin ni Kris. Tapos pag-bid mo ng price, nasabi mo ng di sinasadya, “One thousands Pisos?!” Kabado ka nun, malamang wala ka sa wisyo. Dyahe dude!

Ang sabi ni Tel, semi-formal daw at may color coding(?) ang grupo. Kung pula, dapat lahat naka-pula. Pag may ibang kulay, manager ng grupo yun.

Napagpasyahan nila na dark blue ang kulay na isusuot namin. Yes! Meron akong dark blue na polo. Kaya lang hiphop pako nun. Malalaki pang size yung hilig ko dati, baka magmukha akong guryon kapag sinuot ko yun ngayon! Tapos tali na lang kulang, lilipad na’ko.

Naalala ko nun na may regalong polo si Tracy sa akin, sabi niya pwede na daw yun. Tapos magpagupit daw ako. Nalungkot ako, pero nawala din bigla kasi sabi niya, “Joke lang!”

So ok, may costume na’ko. Isa na lang ang kulang. Kailangan kong mapanuod ang mismong gameshow. Sa Thursday pa kami naka-schedule na maglaro. Monday ko napunood at kulang pa dahil nawala rin sa isip ko lahat. Ayoko nga kasing isipin yung sinaryong maglalaro kami ng live na panunuorin ng maraming tao. Iba nga kasi ang feeling, para ka ngang lalabasan ng wisdom tooth sa pisngi.

The Price is Right. March 10, 2011. Thursday.

Araw ng pinakahihintay namin.

Hindi ko na rin sinabi sa pamilya kong natuloy din ang pagsali ko sa contest.Matapos ang obligasyon ko sa kanila, pumunta na ako kina Nel dahil dun kami magkikita-kitang lahat. Pero tumuloy muna ako kina Tracy para makikain ng tanghalian. Wala palang laman ang aking tiyan mula pa kagabi. Quarter to 12 noon ng ihatid ko si Tracy sa terminal kung saan siya sumasakay papasok ng trabaho. Konting lakad lang naman at natunton ko na ang bahay nina Nel.

Kasalukuyang nanananghalian ang lahat ng dumating ako. Unang pagkakataon kong makilala at makaharap si Ann. Friendly naman siya. Palatawa. At maganang kumain. Ehem,…magana. Hindi ko nakita ang kanyang asawa dahil kagabi, sinabi sa akin ni Tel na si Kuya Jeng, nakatatandang kapatid ni Nel, ang pumalit na makakasama namin sa contest. Yun!, ayos. Asset si kuya sa grupo. Panalangin ko nga, siya na ang mapili para sure win! Kasi malawak ang kaalaman niya pagdating sa mga presyo ng mga bagay-bagay. Presyong Recto lang alam ko, hindi pwede yung presyong pirata na nakalakihan ko na. Sa kanya ko rin nalaman ang ilang detalye ng game. Pero lahat ng iyon, hindi nag “sink in” sa kukote ko. Kasi, habang nagpapaliwanag siya. Nagdadasal ako nun na “Lord, piliin nyo siyang makapaglaro, para panalo talaga.,please!”

Kung ako, nagi-imagine kung anung hitsura nila kapag naglalaro na.Eh, kabaligtaran pala ang nasa isip nila. Ako palang iniisip nilang pwedeng makapaglaro!

Dala ang kotse ni Nel, tinahak na namin ang daan patungo sa ABS.

Maaga kami. My oras pa para makakapag-relax dahil alas-dos pa magsisimula ang screening. May lugar kung saan makikita ang mga contestant.  Matapos kumpirmahin ni Ann ang mga pangalan namin sa listahan, umupo na kami sa bungad at duon na nagpiktyur-pikyur para may remember!

Naalala ko noon, sabi ng nagi-interview paglapit sa amin para ibigay ang name plate. “Alam nyo?, Itong grupong ito ang susyal! Ang gaganda ng suot. Kaya lang yung isa, hindi nagsusuklay!” Ako yung tinutukoy nya. Niladlad ko lang kasi yung buhok ko at nagsuot ng headband, kagabi ko pa sinusubukang itali ito pero di pa kaya, masyado pa itong maikli.

Sa screening, grupo kayong pupunta sa harap at ipakikilala ninyo ang iyong sarili sa harap ng kapwa ninyo contestant. Lakasan ng loob. Nang magpakilala na ang grupo namin. May formation kami,naks. Pakana ni Nel. Para maging bibo ang dating, nakalinya kaming lima at kung sino lang ang magsasalita, pupunta sa harap, pagkatapos balik sa formation. Parang Jabbawockeez! May solo exposure!

Ok naman ang naging resulta. Isa lang ang pinagtataka ni Nel.

Bakit nung siya yung nagsasalita sa harapan, hindi sa kanya nakatingin ang staff. Kundi,  sa aming apat na siyang tapos ng magpakilala. Hindi kaya, isa sa amin ang nakatakdang maglaro sa contest? Malalaman natin yan sa pagbabalik ng, The Price is Right!”

Matapos ang screening. Pumasok na rin kami sa makasaysayang studio ng ABS. Sinuot ko ang aking bonet para itago nga ang umaalagwa kong kulot na buhok. Pero pinatanggal din ni Ann. Asset daw yun sabi ni Nel. Balak ko sanang i-text ang pamilya ko ngunit kamalas-malasang kulot, wala na akong load nun!

Sa tv, mukang malaki ang studio kung saan nagaganap ang TPIR show. Pero kapag andun ka. Maliliitan ka. Nadadala ito dahil sa camera angle. Galing ng staff talaga dito. (palakpakan)

Tapos, piktyur piktyur ule para may remember!…

Limampung minuto bago magsimula ang TPIR. Nagkaroon ng dry run ng mismong game. Ayus. May praktis. Pabor sa akin na siyang walang alam sa nature ng naturang palaro. Dance portion, blockings at kung kelan papalakpak ng malakas, lahat yun inensayo namin. Perfect!

At sa awa ng Diyos, sa unang line up ng manlalaro. Tinawag ang aking pangalan. Slang mag-tagalog ang mga co-host kaya nagkaroon ng problema sa pagbanggit ng aking pangalan. Ang “Lariz” medyo katunog(daw) ng “Venice”. Kahit ako, nalito. pero nung narinig kong “Santos”, eh ako na nga yun! Kaya baba agad ako, habang ingat na ingat sa pagbaybay sa daanan dahil mahirap maglakad at medyo madilim. At sa dulo pa kami nakapwesto.

Tatlong kalahok ang pipiliin para sa final round. At tatlong bagay din ang pahuhulaan para makapasok sa minigame nito. Kung sino ang makahula, pasok sa mini game at siya ring makakatuntong sa final round. Ang gulo ba?, pasensiya na. Ganyan kagulo ang utak ko nung mga panahong ‘yon.

Hindi ako nakapasok sa unang round kung saan nabunot ang pangalan ni Tel bilang studio partner. Pinahintulot ng pagkakataon na makuha ng contestant ang kanyang mini game kaya nanalo si Tel ng cash! Ang swerte! Ang pangalawang round ay hindi rin para sa akin. Lamp shade na disabit ang pinahulaan, at ako lang sa contestant ang bukod tanging nag-bid ng below 1000. Kampanteng sagot ko.P450! Ayun! Mali!.Malay ko bang lampas isang libo yun. Sabi na, hindi ko laro ito. Ang masuwerteng nakahula ay nanalo rin sa kanyang minigame. Isa na lang ang pipiliin para sa maglaro sa final round.

Dumating ang third round, ceramic decoration ang pinahulaan. Kapag commercial, nakalantad na ang item na pahuhulaan kaya nakakalingon ako sa mga kasama ko para makahingi ng tips kung magkanu ang aming bid. Kapag on air na. Muka lang akong bibo sumagot dahil naturuan nako ng kasama ko. Kaya ng tanungin kami ni Kris, kung magkanu ang aming bid, lahat kaming contestant ay lumampas sa orihinal na presyo ng item. Patay! Wala ng pagkakataon pa para lumingon sa kasama ko sa likod. “On the spot, mag-bid ka Lariz!” Wala nako sa wisyo ng ibigay ko ang bid, nakatingin nako sa monitor ng staff dahil hindi ko alam kung papaanu pipiliin ang tamang presyo. Naghiyawan na ang audience pero ako hindi pa. Kasi huli ko nang nakitang nag-blink ang numero sa pwesto ko. Yun kasi palatandaan ko kapag tama yung bid! Pasok ako sa finals! Yebah! Pero hindi ako pinalad manalo sa aking minigame. (palakpakan)

Ang nasa isip ko nung time na yun, habang nakatingin sa mga kasama ko sa itaas. Sabi ko. Solb na ako. Kayo ba dyan sa itaas? Ok ba? Hindi na tayo talo, nanalo na si Tel bilang studio partner. Ok na yun. Haba na ng exposure ko sa camera. Sapat nang karanasan ito para sa akin. Para sa amin.

Pero hindi pa pala. Ang mga susunod na eksena ang lalong hindi namin inaasahan. At lalong hindi makakalimutan.

Ang final round ay roleta. Pataasan ng score. 100 mataas pero dapat hindi sumobra kasi babalik sa umpisa ang score mo. Ito lang ang alam ko, at natatandaang mechanics ng game. Kaya nung magtanong sa akin ang isang kasama kong contestant e, natsismis pa tuloy kami ni Kris. Off air naman yun kaya ok lang.

Pumasok ako sa Jackpot sa score na 90.

Sabi ng ‘di ko kilalang audience. “Panalo ka na! Mahirap ng tibagin yang 90 mo, congrats!”

Mahirap ng maisaayos ang pag-iisip ko. Ang tindi ng adrenalin rush! Biruin mo. Nakapasok kami sa Jackpot portion ng TPIR! Pinapili ako ni Ms. Kris sa mga kahon. 30,000 ang nakuha ko. Kung hindi ako bangag. Malinaw na pandagdag sa bid mo yun kung saka-sakaling kulang ang bid mo without getting over! E hindi. Ang sabi ko pa. Ok na yun! May 30,000 na kami!

Pinakita ang showcases at ang jackpot prize na kotse. May pagkakataon na tatawagin mo ang iyong kasamahan para tulungan kang magdesisyon sa pag-bid ng tamang presyo. Nakita ko sila. Troubled. Halatang mas kabado pa sila kaysa sa akin. Nang ipinakita ni Kuya Jeng ang computations. Nagulat ako. Ang galing ng ginawa niyang computations sa lahat ng item na ipinakita kanina. Ang 1.2M na kanilang price ay parang tubig na bumanlaw sa nanlalabo ko nang isipan.

Sa nakita ko sa kanila. Hindi sila sigurado. Pero parang kulang? Parang ganyan daw. Ang ginawa nilang effort ang siyang naging tuntungan ko para magpasya ng para sa amin.

Sabi ko sa sarili ko, “Sorry guys, nagpunta tayo dito ng wala. Walang masama kung uuwe din tayo ng wala. Bahala na Siya sa atin. Enjoy lang  tayo!”

Ms. Kris: Anu ang bid mo, Lariz?

Ako: Ah,.One…One point three million.

At ilang saglit lang at naghiyawan na ang lahat. Tulad ng inaasahan, hindi ko ule na-gets ang pangyayari. Kinailangan pang itulak ako ni Ms. Kris para malaman ko lang na nanalo kami ng jackpot prize! Ayokong umiyak. Ayokong himatayin. Kailangan kong gumalaw dahil tumindi lalo ang andrenalin rush sa ulo ko. Nagtatalon ako sa tuwa para sa grupo. Para sa biyayang pinagkaloob sa amin. Lumiit ang stage sa pakiramdam ko. Kumalma lang ako ng sabihin ni Ms. Kris na hindi ako nanalo…sa mga unang round!

Lahat ng ito, hindi mangyayari kung hindi NIYA pinahintulutan. May kani-kaniya kaming suliranin sa buhay para turuang kaming lumapit at hindi makalimot sa Kanya. Masarap ang regalong hindi mo inaasahang matatanggap. Subalit para din itong problema, na kapag hindi mo inaasahan, masakit kung tatama sa iyo ng hindi mo rin sukat akalain. Mas matindi pa sa pagtubo ng wisdom tooth sa iyong pisngi.

Ako. Si Lariz Santos. Taga-Marikina. 29 ang edad.

Hindi man ako naging milyunaryo.

Naging mapalad naman ako dahil sa mga taong dati ng nagmamahal sa akin.

Drama ‘noh?  That’s life!

 

Panuorin ang pangyayari. ^___^

http://www.phnoy.com/2011/03/price-is-right-march-10-2011-031011.html

Advertisements

2 thoughts on “Hindi Ako ang Taong Inaakala Ninyong Ako

  1. I know what you feel right now.. parehong balikat ang mabigat, namomroblema at nagtatanung. It’s really a blessing in disguise. Isa lang ang pinagpapasalamat ko sa Kanya, ikaw pa rin si Lariz. Hindi nagbago, down to earth, mapagmahal at hindi nakakalimot sa Kanya. hindi mo man ako nabati sa TV, mahal na mahal kita at walang nagbago.

  2. Sa unang tingin ng makakanuod ng video, aakalain tlga na ikaw ang isang milyonaryo. If they only knew what’s behind the scene, maybe then they will realize that ur just a lucky player from a 5 member team. I hope God will make a way for them to understand the situation.I know ur bothered, stressed and all the pressure is all on ur shoulders. But I’m still thankful, inspite of ur blessings, ur still my Lariz. Walang pinagbago. I guess I’m the one whose blessed having you. You are still the Lariz I’ve met on Streetcoast. I Love so much and thank you dahil hindi ka nagbgo. Hindi mo man ako nabati nabati live sa TV, Mahal na mhal prin kita. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s